Sabado, Mayo 25, 2013

Mamasyal tayo sa Baguio City

 Marami sa atin ang naghahanap ng kakaibang lugar na pwedeng pasyalan, lugar na kung saan ay maaaliw ka ng husto at isa sa mga lugar na aking tinutukoy ay ang Baguio City o kilala rin bilang City of Pines. Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon.
Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak. Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi nawawala sa listahan ng mga pinoy at turista ang Baguio sa listahan ng kanilang pagbabakasyunan ay dahil na din sa kakaibang klima nito, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto itong pasyalan ng karamihan sa atin. Hindi lang sikat ang Baguio City dahil sa klima nito, sikat din ito dahil dito mo makikita ang mga ibat-ibang pasyalan tulad ng Burnham Park na maaliw ka na kahit sa paglalakad-lakad lang.

Ayon sa aking pananaliksik, ang Burnham Park ay ipinangalan sa sikat na Amerikanong architect na si Daniel Hudson Burnham na siya ding nag plano ng siyudad. Matatagpuan ang Burnham Park sa puso ng lungsod ng Baguio City. Ito nga pala yung mga picture ng Burnham Park na kinuha ko gamit lang ang cellphone kaya pasensya na kung hindi ganun kalinaw
 

Kung sawa ka na dyan sa Burnham Park, mayroong din namang ibang park na pwedeng pasyalan maliban dyan medyo kalayuan nga lang siya ito ang Mines View Park. Sikat din ang Park na ito hindi nga lang kaluwangan pero isa sa masasabi kong pinag mamalaki ka ng park na ito ay ang makapigil-hiningang tanawin at taas nito. Makikita mo dito ang mga bundok at mga minahan, pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo dun. Madami ding mabibiling souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamti sa katawan. Kung ikaw naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan ng makakain dito
 The Mansion
Ang The Mansion ay nasa silangang bahagi ng lungsod, dito ginanap ang unang pagpupulong ng South East Asian Nation Union o mas kilala din bilang ang Baguio Conference of 1950. Maaari mo itong pasyalan pagkatapos o bago ka magtungo sa Mines View Park magkalapit lang kasi ito. Napapalibutan ang Mansyon nga napakaluwang na hardin at naglalakihang punong kahoy.

Lion's Head.
Ang Lion's Head ay makikita  mo kapag ikaw ay dadaan sa Kennon Road, may laki itong 40ft at ayon sa aking kwentong kababalaghan na nabasa, nagpapalit-palit daw ito ng kulay. Maraming nagsasabing hindi kumpleto ang Trip to Baguio City pag hindi mo nakita o nakapagpapicture man lang sa Lion's Head (isa ako dun). kaya sa susunod na magbiyabiyae kayo sa Baguio, wag na wag ninyong kakalimutang magpapicture kasama ang Ulo ng Leon tsaka wag niyo din akong kakalimutang i-Tag..
                                                               Baguio Catholic Cathedral
Ang Baguio Catholic Cathedral ay matatgpuan din sa puso ng Baguio City at isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding kwentong kababalghan dito, may mga madre daw na nagpapakita tuwingmadaling araw tsaka mga boses daw na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na dinsa aking pananaliksik, marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation center ang Baguio City Cathedral 945. Madalas akong maglakad dun kasi malapit ang aking pinapasukang paaralan sa Baguio City Cathedral, pero sa tagal at paulit-ulit kong paglalakad dun, wala pa naman akong naramdaman na kakaiba o kung ano, ang tahimik lang lalo na pag alas-tres ng hapon.








Baguio Botanical Garden
Ang Baguio Botanical Garden o kilala ring Igorot Village ay nasa silagang parte in ng lungsod, malapit ito sa Teacher's Camp. Maluwang ang Botanical Garen kaya mag-ingat baka mawala ka XD, makikita mo din dito ang mga bahay na kubo at meron ding isang tunnel sa bandang dulo na malapit sa statwa ng mga budha.

Teacher's Camp
Ang Teacher's Camp ay nasa silangang parte ng lungsod ng Baguio City, makikita rin ito sa Leonard Wood Road. Ito ay training center ng mga guro sa pilipinas at dito din ginaganap ang mga paligsahan na ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral ng bansa. Wala akong gaanong alam tungkol sa Teacher's Camp, nadaanan ko lang kasi to minsan hindi ko pa siya napasok

Public Market
Bago ka umuwi, ito ang isa pang wag na wag mo dapat kakalimutan, ang pagpasyal at pagbili sa Baguio Public Market. Sa Baguio Public Market mo makikita ang mga bagong pitas na gulay, dito ko din unang nakita ang Red Cabbage at ang Local Blueberry ng Pilipinas. Ou! meron tayo nun. Punta kayo dun ng April, lagi-laging tinatabi yun sa mga Strawberry pero pag wala kayong makita, wag mahihiyang magtanong, mababait yung mga tindero nila. Promise. Meron ding wine na gawa sa Strawberry tsaka sa Rice at ang paborito ko, ang mga palaman. meron silang Pineapple Jam, Ube Jam, Strawberry Jam at Blueberry Jam, yan palang ang alam kong mga Jam dun kung may bago man... pls.. text mo ako hahaha. Bibilhin ko yun!




At bago ko makalimutan, ano ang unang bagay ang pumapasok sa ating isipan kapag nariring mo ang Baguio City? at hindi din kumpleto ang Trip to Baguio City mo pag wala ka nito pag-uwi mo. Sagot? Siyempre Strawberry!!! Sikat ang Strawberry sa Baguio pero hindi naman talaga sa baguio ang taniman nito. Matatagpuan ang taniman sa La Trinidad, Benguet, malapit yun sa Benguet State University, mura lang pasahe papunta dun kaya wag mag-alala ang mahal eh yung pagpitas. Pag punta niyo ng Baguio wag niyo akong kakalimutang bilhan nito ah


Kung nagbabalak kang mamasyal sa Baguio City, wag mong kakalimutang magdala ng payong, the weather of Baguio City is really unpredicatble, Isang semester ako dun at napansin kong laging umuulan tuwing hapon. tapos mas okay kapag may titirahan o kamag-anak ka na dun para tipid, mahal kasi boarding house at apartment eh, sabihin mo nalang 10-15k yun tapos kung nagtitipid ka naman dapat iwasang magdala ng pera kasi talagang mapapagastos ka dun. Yan palang ang nailagay ko kasi yan palang ang napasyalan ko eh. Marami pang mapapasyalan sa Baguio City, hindi pa nangalahati yang mga napasyalan at nakita ko. Kaya pag punta mo dun, subukan mong hanapin yung mga sinasabi ko tapos kwento mo sakin, isama mo na din ako sa susunod :D!

Salamat sa pagbabasa!
Godbless

9 (na) komento:

  1. Thanks sa pag-share ng mga information and also sa mga napasyalan nio po .. Hihi feel ko parang nasa baguio na din ako😂😂😁

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. We feel the same way �� feel ko nakapunta nako sa baguio while reading this. And thanks a lot dun sa sumulat ☺

      Burahin
  2. Pwede ko po bang malaman kung ano ang mga kakulagan sa baguio??

    TumugonBurahin
  3. Hihi..Love it po😊 Galing po ako dito😊

    #FromBukidnon

    TumugonBurahin
  4. Philippines is indeed a very interesting place to explore.Sakit.info

    TumugonBurahin
  5. Thank you po sa information, makakatulong po ito sa research ko po ^-^✓ God bless po sa my susunod nyong lakbay 'v'

    TumugonBurahin
  6. Tunay nga na napakaganda ng baguio 🥰kahit namay pandemya tuloy parin ang paskong and the new service

    TumugonBurahin